Kay daming sakit na ang napagdaanan Halos hindi ko na nga mabilang kung ilan Ngunit pagdating mo sa buhay ko lahat ay nagbago Nagbigay ka nang panibagong pag-asa dito sa puso ko Alam kong ang ibigin ka ay bawal Dahil naging kasintahan mo ang aking kaibigan Batid ko rin na baka masaktan Ngunit mapipigilan ba ang puso ‘pag nagmahal? Kay saya ng araw ko tuwing tayo’y magkasama Kahit sikreto ang lahat ng ito kahit sa aking pamilya Tiniis ko ang bawat kaba sa dibdib Kahit makasama ka lang ang tanging kapalit Ngunit ang pag-ibig na inakalang kong totoo ay tuluyang nagbago Makailang sandali lamang akong nawala ay nag-iba ka na Ang dating mainit mong mga ngiti ay nanlamig na Kaya pala… may iba ka na Lahat na halos ng nagawa mo ay pinalampas ko Ngunit sa kabila nito ako pa rin ay niloko mo Nagkasundo tayong muli ngunit pangloloko ay inulit mo Ano bang nagawa ko bakit mo ko ginaganito? Halos isang taon na rin tayong ganito Sala sa init, sala sa lamig palagi tayo Nauubos na ang nadarama ko para s...
products of my not so functional brain sometimes...