Salamat Na Lang!


Kay daming sakit na ang napagdaanan
Halos hindi ko na nga mabilang kung ilan
Ngunit pagdating mo sa buhay ko lahat ay nagbago
Nagbigay ka nang panibagong pag-asa dito sa puso ko

Alam kong ang ibigin ka ay bawal
Dahil naging kasintahan mo ang aking kaibigan
Batid ko rin na baka masaktan
Ngunit mapipigilan ba ang puso ‘pag nagmahal?

Kay saya ng araw ko tuwing tayo’y magkasama
Kahit sikreto ang lahat ng ito kahit sa aking pamilya
Tiniis ko ang bawat kaba sa dibdib
Kahit makasama ka lang ang tanging kapalit

Ngunit ang pag-ibig na inakalang kong totoo ay tuluyang nagbago
Makailang sandali lamang akong nawala ay nag-iba ka na
Ang dating mainit mong mga ngiti ay nanlamig na
Kaya pala… may iba ka na

Lahat na halos ng nagawa mo ay pinalampas ko
Ngunit sa kabila nito ako pa rin ay niloko mo
Nagkasundo tayong muli ngunit pangloloko ay inulit mo
Ano bang nagawa ko bakit mo ko ginaganito?

Halos isang taon na rin tayong ganito
Sala sa init, sala sa lamig palagi tayo
Nauubos na ang nadarama ko para sa’yo
Napapagod na ako, kelan ka ba magbabago?

Dumating ang araw na kapwa tayo’y sabay na bumitaw
Napatawad na kahit gaano kasakit ang iyong nagawa
Salamat na lang sa mga alaala mong masasaya
Salamat na rin sa mga masasama



0 comments:

 

CREATIVE JUICES Copyright © 2011-2012 | Powered by Blogger