Paano ba ako magsisimula...kung di lang dahil sa'yo, di ko ito gagawin...kilala mo naman ako pagdating sa pagsusulat… pagawa mo na lahat sa akin huwag lang ang sumulat…pero dahil special ka kaya heto nagpapakatrying hard ako. Sana mag enjoy ka sa pagbabasa.
Tinanong kita noon, kung maaalala mo pa. Sabi ko, “Ano bang gusto mo?”. Sumagot ka agad, “Gawan mo ko ng article.” Sabi ko sa sarili ko ang hirap naman. Paano ako susulat para sa katulad mong isang henyo sa pagsusulat. Baka laitin mo lang ang piece ko. Pero sanay na ako sa mga panlalait mo, actually sabi mo nga di mo naman ako nilalait, nagsasabi ka lang ng totoo. Tanggap ko na talagang pagdating sa pag express ng feeling ay mahina ako mapa oral o written man. Sanay naman akong sumulat, iyon nga lang pagsagot sa email sa office at sa daddy ko. Kung minsan nga pinapacheck ko pa sa’yo mga e mails ko para siguradong tama bago ko ipadala.
Alam mo ba habang ginagawa ko to ngayon kausap kita sa phone. Nagagalit ka kapag di ako sumasagot agad, di mo alam gumagawa na ako ng article para sa’yo. Tinuruan kita kung paano mag download sa Imesh kasi hinahanap mo iyong song ni Patti Austin na “Say You Love Me”. Nagalit ka pa kasi hindi natin pinanood iyong concert nila Martin noong February. Di ko kasi gusto si Martin pero kung alam ko lang noon na gusto mo si Patti Austin malamang di natin pinalampas iyon kahit ayoko kay Martin papanoorin natin iyon.
Bukas mag one year and one month na tayong magkakilala. Parang kelan lang, nagpapacute pa ko sa’yo. Pero alam ko kahit di ko na gawin iyon mapapansin mo parin ako kasi talagang cute na’ko, sa mga mata mo. Ang bilis ng panahon, gabi na naman. Ewan ko ba kung bakit tuwing gumagabi ay nalulungkot ako. Siguro dahil sa matatapos na naman ang isang araw at mababawasan na naman ng araw sa kalendaryo at lalapit na nag araw na kinatatakutan ko. Araw ng pag alis ko.
Putik! 11 days na lang pala. Akala ko 2 weks pa. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Akala ko mahaba pa ang araw na makakasama kita. Habang lumalapit ang araw lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Sabi ko na nga ba dapat din a lang ako tumingin sa kalendaryo para di ko nakita iyong araw.
Ano bang dapat nating gawin, tatawagan kita. Guto kitang makausap…
Kausap na kita, tinatanong mo ko kung bakit ako umiiyak sabi ko gabi na kasi. Di ka na uli nagtanong. Siguro alam mo na iyong dahilan. Di ka na uli nagtanong dahil alam mong lalo akong malulungkot. May pinarinig ka sa akin na kanta…iyong matagal ko ng hinahanap na kanta… "Just Fall In Love Again”. Galing mo naman nadownload mo na agad. Ayan, tumigil na luha ko, din a ko naiiyak. Sana lagi na lang kutang kasama o kahit kausap lang. Kasi nakakalimutan ko iyong problema ko. Ngayon di ko alam kung paano tayo kapag dumating na iyong araw na iyon. Paano ako bukas, pag dumating na naman ang gabi. Ganito na naman ako. Ganito na naman mararamdaman ko.
Bakit dati, noong mga month ng May, June, July 2004 gusto kong bumilis ang araw. Dahil gusto ko August na para doon kita tatanungin kung ready ka na. Maraming beses kita tinanong pero maraming beses mo rin akong di sinagot. Wrong timing ako lagi, dahil special date na iyon sa’yo. Pero dumating ang August 8, di kita tinanong dahil na feel ko na iyon ang gusto mong date para sa’tin. Tiniis ko iyong araw na iyon na di kita tanungin baka sakaling ikaw naman ang magtanong sa’kin. Pero di mo ko tinanong. August 9, madaling araw, pagkatapos nating manood ng presentation mong ginawa para sa akin at habang nagsasaya ang mga anghel sa langit habang pinapanood tayo, tinanaong kita. Sagot mo sa’kin. “O sige…”. Sa wakes, nagkantahan ang mga anghel (iyong mga nanonood din sa’tin, sila rin) dahil sa narinig nilang sinagot mo iyong tanong ko kaya August 8, tayo na. Sabi ko na nga ba iyong ang date na gusto mo, pero sa totoo lang iyon rin ang gusto ko.
Masarap pala ang magsulat, isa rin itong way para mabawasan iyong bigat na nararamdaman ko. Siguro ngayon mapapadalas ba itong pagsulat ko. Sabi mi nga, “Magsulat ka kahit ano!”. Heto na napasulat mo na ako. Nagawa ko para sa’yo. Sana kahit papaano natuwa ka, ok lang na laitin mo ako. Wala mang saysay mga pinagsasabi ko. Basta importante nakapgsulat na ako. At nagawa ko ito dahil sa’yo.
Nung una nahirapan akong simulan itong article na ‘to, di ko alam mas mahirap palang gumawa ng ending. Para palang article ang isang relasyon. Mahirap simulan pero mas mahirap tapusin. Lalo na kung iyong writer marami pang gusting isulat at ikuwento, pero di alam kung paano. Parang iyong dalawang taong nagmamahalan at marami pang pangarap at planong gawin pero limutado na ang oras at panahon. Paano? Anon g gagawin? Hmmm…puwede naman dib a, puwede naming di lagyan ng ending. Kaya nga merong Never Ending Stories, iyong iba may Part 2, Part 3, Saga, iyong iba naman To be continued…Parang iyong satin ngayon…hangga’t maaari, hangga’t kaya nating magtiss. Hangga’t di pa natin na tatry. Puwedeng to be continued. Puwede naming di lagyan ng tuldok. Di wag nating lagyan. Di wag kong lagyan
By Liz Reyes
June 22,2005 9:38 PM
Comments