Skip to main content

Posts

Showing posts with the label sad story

Reminiscing

It was just an ordinary day like the days before. I was in my room, lying in my bed, while listening to the radio. Then the phone rang… I immediately picked it up and asked who’s on the line. To my surprise, it’s YOU! I never really imagined talking to you because you’re the least kind of person who would call me. I never even knew that you existed. But not until we became group mates in one of our school’s theater play presentation. Then the phone calls became constant, I could say that we instantly jive because we have lots in common, maybe we’re soul friends… or should I say…soul mates? We usually see each other in school and gave each other occasional “hi’s” and “hello’s” whenever we meet along the corridor. Then the time came when I can’t help but take a second glance at you whenever our eyes meet. Maybe there’s something in you, maybe I’m starting to notice your eyes that also smiles whenever you do, or maybe… I’m falling for you. That night was a very memorable one. I don’t ...

Sa Aking Paglisan

Dumating na ba sa buhay mo ang pakiramdam na sana ay bigla ka na lang maglaho sa mundong ibabaw? Iyong tipong mawawala ka, wala ka ng mararamdaman pa at paglisan mo ay walang sinoman ang makakaalaala na nag-exist ka pala. Ako, oo, maraming beses na. Pero iba sa pagkakataon na ito. Hindi ko alam kung ano nga ba ang ipinagkaiba ng nararamdaman ko sa ngayon kesa sa mga sakit na dinanas ko bago ka dumating sa buhay ko. Basta ang tangi ko lang alam, gusto ko na maglaho ora mismo dito sa aking kinauupuan. Sawang-sawa na akong gumising araw-araw na ikaw na lang palagi ang iniisip ko. Kung ano ang ginagawa mo, kung sino ang kasama mo at… kung tulad ko ay naiisip mo pa rin ba ako. Malamang hindi na dahil masaya ka na. Hindi tulad ko na pilit pa rin pinaglalabanan ang lungkot na aking nadarama bawat araw. Sa totoo lang, natatakot akong mag-isa. Pinipilit kong maging masaya kapag may kasamang iba. Ayoko na ngang umuwi dahil batid ko na babalik na naman ako sa dati kong mga gawi. Natatakot ako dah...

Kuwadradong Mundo

Nakatanaw na naman ako sa may kalawakan na para bang may hinihintay. Gabi-gabi ay ito ang gawain ko. Napakatahimik ng kapaligiran at tanging mga kuliglig lamang at tiktak ng orasan ang naririnig. Ni hindi ko nga namalayan na alas-dose na pala ng hating-gabi. Puyat na naman ako, pero ayos lang. Mas gusto kong manatiling gising habang ang lahat ay natutulog na. Gusto kong lasapin ang katahimikan ng mundo dahil doon ko lamang mas nakikita ang angking kagandahan nito. Tumingala ako at minalas ang kalangitaan. ‘Di gaya kagabi, ngayon ay mabibilang mo lamang ang mga bituin at sa ‘di mawaring kadahilanan ay nakadama ako ng kalungkutan. Unti-unting nanumbalik ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa aking buhay. Napabuntong-hininga ako sabay sambit sa aking sarili, “Pagod na ako.” Pakiramdam ko ay wala na akong patutunguhan pa. Para bang wala ng pagbabago ang buhay ko. Nakakulong na ako sa kuwadrado kong mundo, kung saan ang lahat ng aking gawain ay tila naka-programmed, na dito sa mun...