Skip to main content

Posts

Showing posts with the label dawn

Dapithapon

Magtatakipsilim na naman. Mag-iisang taon na pala mula nang naramdaman ko ang ganito. Bakit nga ba hindi mapuknit sa aking isipan ang iyong maamong mukha? Bakit ba tuwing magagawi na lamang ako sa dalampasigang ito ay muling bumabalik ang mga masasaya nating alaala? Alaalang nagsisilbing lason na unti-unting pumapatay sa akin. Dapithapon nang una tayong nagkakilala. Halos hindi tayo magkamayaw sa pagkukuwentuhan habang naglalakad sa tabing-dagat at namumulot ng mga sigay. Kung minsan nama’y palihim tayong nagtatagpo sa gabi; humihiga sa buhanginan habang tinatanaw ang mga bituin. Minsan nga, naitanong mo ang aking mga pangarap na isang buntong-hininga lamang ang naging katugunan. Ninais ko ring huwag nang uminog pa ang mundo ng mga panahong iyon at huwag nang umandar pa ang orasan dahil batid kong ang bawat tiktak nito’y hudyat din ng ating nalalapit na paghihiwalay. Nang dumating ang araw na aking kinatatakutan, nangako tayong magtatagpo rito taun-taon. Ngunit nasaan na ang iyong pa...