“Bili tayo ng mocha cafreezio, masarap iyon…” Busog na busog na ako pero pinilit mong ipatikim sakin ang pinagmamalaki mo na Mocha Cafreezio sa Allegro. Ewan ko ba, natuwa lang siguro ako sa hitsura kaya napilitan ako. Sa totoo lang, favorite ko parin ang Mocha Frappe sa Starbucks kaya kahit mas mura ang Mocha Cafreezio na nilibre mo sakin, hindi ko parin iyon ipagpapalit. Lumipas ang mga araw, sabi na nga ba at hindi ko naman iyon magugustuhan, di kagaya sa Frappe ng Starbucks, hinahanap-hanap ko dati. Pero bakit ganoon? Tuwing mapapadaan ako sa Allegro lahat yata ng kasama ko eh sinasabihan kong ilibre ako ng Mocha Cafreezio. Sa totoo lang, paborito ko ang whip cream nila. Weird na kung weird pero halos lahat ng nakakakilala sa akin ay alam na ayaw na ayaw kong hinahalo ang Frappe ko. Gusto ko hanggang maubos ko ang laman, buo pa rin ang Whip Cream. Sa Starbucks kasi natutunaw, sa Allegro, hindi, buo talaga. Ito talaga ang dahilan kung bakit all-time favorite ko na ang Mocha Cafreezi...
products of my not so functional brain sometimes...