Nag-aagaw ang dilim at liwanag at makikita ang anyo ng dalawang tao, babae at lalake sa may burol. Nakahilig sa balikat ng lalake ang babae habang nakatanaw sa papalitaw na haring araw. Apatnapung taon na silang pabalik-balik sa burol na iyon. Sila ay sina Inang Rosa at Tata Isko. Kilalang-kilala sila ng kanilang mga kababaryo. Kapwa sila nasa may sisenta ang edad at mula pagkabata ay bulag. Beinte anyos ng unang magkakilala ang dalawa, taga kabilang baryo si Tata Isko. Naging madalas ang pagdalaw ni Tata Isko sa baryo nina Inang Rosa dahil nagaangkat ng mga panindang gulay ang kanyang ama at siya ay tumutulong, sa kabilang banda naman ay tindera ng gulay ang ina ni Manang Rosa at gaya ni Tata Isko, ay katu-katulong siya ng ina sa pagtitinda. At dahil dito ay nagkakilala at nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Magkasintahan pa lamang ang dalawa ay madalas na silang tumungo sa burol upang bantayan ang bukang liwayway na siyang ipinagtataka ng mga taga-baryo, dahil paano nga naman nila mas...
products of my not so functional brain sometimes...