Skip to main content

Dapithapon

Magtatakipsilim na naman. Mag-iisang taon na pala mula nang naramdaman ko ang ganito. Bakit nga ba hindi mapuknit sa aking isipan ang iyong maamong mukha? Bakit ba tuwing magagawi na lamang ako sa dalampasigang ito ay muling bumabalik ang mga masasaya nating alaala? Alaalang nagsisilbing lason na unti-unting pumapatay sa akin.

Dapithapon nang una tayong nagkakilala. Halos hindi tayo magkamayaw sa pagkukuwentuhan habang naglalakad sa tabing-dagat at namumulot ng mga sigay. Kung minsan nama’y palihim tayong nagtatagpo sa gabi; humihiga sa buhanginan habang tinatanaw ang mga bituin. Minsan nga, naitanong mo ang aking mga pangarap na isang buntong-hininga lamang ang naging katugunan.

Ninais ko ring huwag nang uminog pa ang mundo ng mga panahong iyon at huwag nang umandar pa ang orasan dahil batid kong ang bawat tiktak nito’y hudyat din ng ating nalalapit na paghihiwalay.

Nang dumating ang araw na aking kinatatakutan, nangako tayong magtatagpo rito taun-taon. Ngunit nasaan na ang iyong pangako? Ah! Sana’y nakita ko noon pa ang tunay mong pagkatao. Sana’y nalaman ko nang maaga na bawat salita palang binibigkas mo ay taliwas sa iyong damdamin. Sana’y nabatid ko na pagkakaibigan lang pala ang tangi mong nais na inakala kong pag-ibig na. Sana’y nakita ko ang mga ito noon pa. Disinsana’y hindi ako naghintay, umasa…masakit pala.

Ang tabing-dagat ang siyang nagsilbing saksi sa inakala kong isang wagas na pagmamahalan. Ang bawat paglubog ng araw dito ay lagi na lamang nagpapaalaala sa akin ng ating mga masasayang sandali. ‘Di ko na rin alintana ang pagtulo ng luha sa aking mga pisngi. Kung alam mo lamang na sa tuwing sasapit ang mga panahong ganito, ako’y nasasabik na masilayan kang muli. Ang iyong mga nangungusap na mata, nakahahawang halakhak at paglalambing ay lalo lamang nagpapatindi sa aking nararamdaman.

“Tanga ba akong talaga o sadyang mahal lang kita?” Minsan ko nang naitanong sa aking sarili.

Sa bawat pamamaalam ng araw ay para bang lalo akong nawawalan ng pag-asang makita kang muli, dahil batid kong may sarili ka nang mundo ngayon at masakit mang isipin, alam kong hindi na ako bahagi noon. Baka nga sa pagbalik mo ay hindi mo na ako kilala…iyon ay kung babalik ka pa.

Takipsilim na at makikita ang isang taong nakatanaw sa dagat na wari’y may hinihintay. Lagi siyang ganoon…

Lagi akong ganito. Naghihintay pa rin sa pagbabalik mo. Isang suntok sa buwan ang pangarap na ito. Ngunit sana’y malaman mo, narito lamang ako, naghihintay sa dalampasigang ito. Kung saan mo ako iniwan, doon mo pa rin ako mababalikan.

Comments

Popular posts from this blog

The Black Sheep

The night was getting deeper as I trudged along the dark alley leading to the apartment. The misty air and the stillness of the night bring back memories of the past. Memories that I have put on the back burner for a long time now. Memories that served as an envenom that is slowly killing and eating me wholly. Then rain drops started falling and before I knew it, thoughts kept flooding rapidly together with the rain. It’s the first day of my Senior year. I can’t describe the excitement I am feeling as my dad pulled over our Chevrolet in the school’s driveway. I hurriedly gave a peck on dad’s right cheek and went down to meet my friends and gave each other some updates on our summer vacation. The bell rang and we sped up to our rooms and faced our books. Another dreadful year in school again, but at least this will be my last year in High school. I am Eunice, the only daughter of two of the most successful entrepreneurs in the country. An average girl living a grandiose life. I was bo...

Filthy Hands (Chapter One)

(This is an original script I have written during my 3rd year in College, and was transformed as a short story with three chapters ) It was the usual night for the pimps and call girls. The busy street, the Christmas lights from different bars and the honking of horns while people chattering together with their boisterous laughter are enough to create chaos. Different species of their kinds can be seen roaming and wandering looking for the perfect customer. Perfect means, the one who has bulky wallet, a big fish. Agnes approached her friend Monique, and blatantly asked “Hey! How was the night so far?” while chewing her gum . “As usual, same old thing, no customers again!” Monique replied exasperatedly. While sharing sentiments with each other that night, it suddenly hit Agnes the Japanese Businessman whom she always sees with her friend. “So, how’s Mr. Nakamura? I thought he’s going to marry you?” Agnes asked excitedly . “That creepy old man! He fooled me, he sa...

TULDOK

Paano ba ako magsisimula...kung di lang dahil sa'yo, di ko ito gagawin...kilala mo naman ako pagdating sa pagsusulat… pagawa mo na lahat sa akin huwag lang ang sumulat…pero dahil special ka kaya heto nagpapakatrying hard ako. Sana mag enjoy ka sa pagbabasa. Tinanong kita noon, kung maaalala mo pa. Sabi ko, “Ano bang gusto mo?” . Sumagot ka agad, “Gawan mo ko ng article.” Sabi ko sa sarili ko ang hirap naman. Paano ako susulat para sa katulad mong isang henyo sa pagsusulat. Baka laitin mo lang ang piece ko. Pero sanay na ako sa mga panlalait mo, actually sabi mo nga di mo naman ako nilalait, nagsasabi ka lang ng totoo. Tanggap ko na talagang pagdating sa pag express ng feeling ay mahina ako mapa oral o written man. Sanay naman akong sumulat, iyon nga lang pagsagot sa email sa office at sa daddy ko. Kung minsan nga pinapacheck ko pa sa’yo mga e mails ko para siguradong tama bago ko ipadala. Alam mo ba habang ginagawa ko to ngayon kausap kita sa phone. Nagagalit ka kapag di ako sumas...