The night was getting deeper as I trudged along the dark alley leading to the apartment. The misty air and the stillness of the night bring back memories of the past. Memories that I have put on the back burner for a long time now. Memories that served as an envenom that is slowly killing and eating me wholly. Then rain drops started falling and before I knew it, thoughts kept flooding rapidly together with the rain. It’s the first day of my Senior year. I can’t describe the excitement I am feeling as my dad pulled over our Chevrolet in the school’s driveway. I hurriedly gave a peck on dad’s right cheek and went down to meet my friends and gave each other some updates on our summer vacation. The bell rang and we sped up to our rooms and faced our books. Another dreadful year in school again, but at least this will be my last year in High school. I am Eunice, the only daughter of two of the most successful entrepreneurs in the country. An average girl living a grandiose life. I was bo
Magtatakipsilim na naman. Mag-iisang taon na pala mula nang naramdaman ko ang ganito. Bakit nga ba hindi mapuknit sa aking isipan ang iyong maamong mukha? Bakit ba tuwing magagawi na lamang ako sa dalampasigang ito ay muling bumabalik ang mga masasaya nating alaala? Alaalang nagsisilbing lason na unti-unting pumapatay sa akin. Dapithapon nang una tayong nagkakilala. Halos hindi tayo magkamayaw sa pagkukuwentuhan habang naglalakad sa tabing-dagat at namumulot ng mga sigay. Kung minsan nama’y palihim tayong nagtatagpo sa gabi; humihiga sa buhanginan habang tinatanaw ang mga bituin. Minsan nga, naitanong mo ang aking mga pangarap na isang buntong-hininga lamang ang naging katugunan. Ninais ko ring huwag nang uminog pa ang mundo ng mga panahong iyon at huwag nang umandar pa ang orasan dahil batid kong ang bawat tiktak nito’y hudyat din ng ating nalalapit na paghihiwalay. Nang dumating ang araw na aking kinatatakutan, nangako tayong magtatagpo rito taun-taon. Ngunit nasaan na ang iyong pa